ako si sam
Ako si sam..pinanganak ako sa kaumagahan ng -ika19 ng Abril noong 1983. Pinanganak ako sa Las Pinas at dahil nahuli ako sa mga kapatid ko ng mga 12 taon, natuto ako mag-isip ng parang matanda sa murang edad ng 5, mali... hindi pala ganun.. ang mga kapatid ko ang natuto mag-isip bata. Larong water-gun, bahay-bahayan, at basketball na walang bola ang nilalaro ng mga kapatid kong nasa med school at kolehiyo nung mga panahon na iyon.
Nung 1 taon lamang ako, naiwan ako ni Kuya Frank sa loob ng nakakandado na kuwarto. Hindi ko pa abot ang pintuan nun at sa dahilan kung bakit niya ako naiwan ay hindi ko alam. Sa takot niya, sinira niya ang bintana at sa galit ng tatay at nanay, hindi na ako iniiwan ng basta-basta.
Nung 2 taon ako, dinala ako ni Kuya Wood sa ospital na nakasando, butas ang shorts, naka-tricycle na lumilipad. Bakit? Naging kulay asul ako. Bakit? Hindi ako makahinga nun at may mali raw sa baga ko at ng dinadaluyan ng dugo mula sa puso. Nilagay nila ako sa oxygen tent ng 2 linggo at ayon sa mga naging saksi, lahat ng nurse na nag-aalaga sakin ay minumura ako. Dahilan? Ewan. Salbahe ata ako nung bata ako. At dahil dito, pinasok na ako ni nanay sa skwelahan, prep school sa may amin, kung saan natuto ako tumakbo ng matulin, maging iyakin, mag-spelling, mag-add, subtract at mag-kunwaring naiintindihan ang multiplication table. Ingles raw ako ng ingles noon at lahat ng hindi mag-ingles sa bahay ay nilalaet ko.
Grade 1, pinasok ako ni nanay sa Paref Woodrose, at dito ko naranasan mula highschool na hindi lahat ng nakikita mo sa panlabas ay katotohanan. May natatagong pang ibang ilaw ang mga taong masaya kung nakasama, na binabansagan mg maaarte, conio, at kung anu-ano pa. Hindi lahat ay base sa kaanyuang panlabas.
Ngunit dahil may mga masasayang araw, kailangan may malulungkot na araw. Nung 9 na taon ako, grade 3, pinagbintangan ako ng guro ko sa Language, na-kumokopya sa aking katabi nung Spelling quiz. Bakit ako kelangan magngopya nun? Nag-aral ako nun at hinasa pa ako ni nanay na mahigit 20 beses na paulit-paulit. Nagsumbong ako na umiiyak at sinugod ni nanay at inaway niya ang guro ko. Hindi maganda ang pag-bintangan ka sa mga bagay na hindi mo naman ginawa. Hindi maka-tao ang mag-bansag pag walang sapat na ebidensiya.
Siyam na taon rin ako ng pinasok rin ako ni nanay sa ballet school. Isang makulay na kabanata ang aking pag-diskubre sa sayaw bilang isang paraang maitago at mailahad ng sabay ang mga nararamdamang lungkot, saya, galit, at hinayang. Kahit bumagyo at malakas ang ulan, hinahatid ako ni nanay ng gabi-gabi at hihintayin niya ako ng 2 oras. At dahil dito nag-papasalamat ako, dahil binigyan ako ng pagkakataong mahalin ang sayaw. Nung 16 taon ako, sumali kaming mga piling mga studyante sa ballet sa isang paligsahan sa Singapore. Ang piyesa na sinayaw ay piyesa ni Bach, allegro. Isang mabilis na sayaw, na puro ikot at talon. Anim na buwan kami nag-sanay at hindi naging madali ang sigawan at paulitin ng paulitin hanggang maski nananaginip ay nagsasayaw pa rin. Nanalo kami ng 1st place sa unang Asia-Pacific Dance Competition sa Singgapore, 1999-2000. Isang malaking karangalan at para sa akin, isang malaking tulak para pagbutihan lahat na kelangang gawin. Isang malaking patunay na kung kakayanin, kaya lahat. At dahil dito, nag-ACCE ako nung kolehiyo.
ACCE- Accelerated Biology raw. Magaling raw ang mga nandidito sa program na ito at siguradong pasok sa Medicine ng Uste. Kung may mga ilang bagay na pinagsisisihan ko, ito ay ang iwan ang dating kinalalagyang Section, bago mag-Acce. Hindi sa pinagsisisihan ko ang naging desisyon ko. Pinaninindigan ko ito. Marami rin ako natutunan sa Acce, at higit sa lahat, sa 15 tao na kasama sa program naiyon, isang karangalan ang makasama sila sa hirap, ginhawa, sa kasayahan at tawanan at sa paninindak ng mga gurong hindi nag-tuturo ng maayos. Iniwan ko ang kinalakihang Section B5, isang section na kung saan nagkaroon ako ng mga unang kaibigan. Galing ako sa skwelahang puro babae at ng sumabak ako sa kolehiyo na may mga kalalakihan na, isang malaking transisyon at nahirapan ako. Tao rin naman sila kaya, sabi ko sa sarili ko, at wala ako kelangan baguhin sa aking anyo, ugali o pakikitungo. Kahit may dalawa akong kapatid na lalaki, mahirap pa rin. Hanggang ngayon, namomorblema pa rin ako.
Tatlong taong kolehiyo at ngayon nasa Med school na ako. Isang malaking sakripisyo at pagmamahal ang lahat na ito. Ngunit isang kabanata ulit ito na hindi pa nagtatapos at sa kasalukuyang nangyayari. Hindi ko alam ang mangyayari mamaya, bukas, o sa mga susunod na linggo o taon. Ang alam ko lang ay, kahit mahirap ang mga pabsubok at mga pagbabagong transisyon, kakayanin kung kakayanin. Walang madali sa buhay. Kaya maski, nalock ka sa isang kuwarto o butas ang shorts mo, o kaya bumabagyo at sigawan ka o di kaya, gumawa ka ng isang mahirap na desisyon, lahat ito ay may kinahihitnatnan. Pipilitin mo huminga para mabuhay. Pipilitin mong sumayaw sa tugtog ng bawat oras na kakailanganin mo making matatag. Pipilitin mo harapin ang mapait at matamis kahit husgahan ka o bansagan na kung anu-ano. Walang pagsisi, paninindigan lamang.